Ipinanalo ng New York Knicks ang kalaban nilang Washington Wizards sa London game ng NBA Huwebes nang gabi.
Ganito ang nangyari.

Bumigay ang mga binti ni Bradley Beal at alam sa sarili na mas malamang ay hindi niya kakayaning ibuslo ang go-ahead basket para sa Wizards, nakita niyang mag-isa sa lane si Thomas Bryant.

Pinasahan ni Beal si Bryant, pinakawalan ang bola sa basket pero hinabol ni Allonzo Trier 0.4 se­conds na lang. Hindi pumasok ang layup ni Bryant, pero tinawagan ng goaltending si Trier at binigay ang two points kay Bryant.
Ganun-ganun lang, tinalo ng Wizards ang Knicks 101-100 sa O2 Arena.

Na-outscore ng Washington ang New York 24-11 sa fourth.

“I’ve never seen that – especially in London,” bulalas ni Wizards coach Scott Brooks. “But what a finish. This was one of those games that nobody deserves to go on their long flight home without a win, but it happens in sports.”

Nagsumite si Beal ng 26 points at 9 rebounds, may 20 at 11 si Otto Porter Jr. Pero ang pinakamahalaga sa Wizards ay ang basket ni Bryant na hindi pumasok.

Abante ang Knicks 100-99 sa one-handed basket ni Noah Vonleli sa harap ni Bryant 33.7 seconds sa laro, iniluwa ng rim ang 3-pointer ni Beal sa kabila.