NEW YORK — Pinagmulta ng WNBA ang New York Libert, Phoenix Mercury at Indiana Fever – kasama ng kanilang players–dahil sa pagsusuot ng black warm up shirts kasunod ng insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng ilang police officers.
Magbabayad ng tig-$5,000 ang teams, at bawat player ay pinagmulta ng $500.
Apat na beses nang isinuot ng Liberty ang plain black shirts, huli noong Miyerkules ng umaga kontra Washington. Martes ng gabi nang magsuot nito ang Mercury at Fever.
Mula sa official outfitter ng liga pa ring Adidas brand ang shirts, pero base sa WNBA rules ay bawal baguhin ang uniforms.
“We are proud of WNBA players’ engagement and passionate advocacy for non-violent solutions to difficult social issues but expect them to comply with the league’s uniform guidelines,” anang statement ni WNBA president Lisa Borders.
Naglabas ng memo hinggil sa uniform policy ang liga matapos magsuot ang Minnesota, New York at Dallas ng shirts na nakikisimpatiya sa dalawang lalaking binaril ng pulisya at sa limang Dallas police officers na napatay noong July 7.
Isang beses lang ginamit ng Lynx ang kanilang shirts. Nagkasundo ang Liberty players na magsuot ng plain black shirts na tanging Adidas logo lang ang tatak. Black din ang karaniwang warm-up shirts ng New York, pero nakatatak dito ang logo nila.
Nag-tweet si Phoenix Mercury forward Mistie Bass: “Don’t say we have a voice and then fine us because we use it. #notpuppets #cutthestrings.”