Ramil D. Cruz
Nahuli ako ng dating sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong nakalipas na Martes, April 23 sa Amelie Hotel Manila sa Jorge Bocobo St., Malate.
Bisita sa balitaktakan ng mga sports editor at sportswriter na nagsimula sa alas-10:30 nang umaga sina Philippine national men’s basketball team coach Joseller ‘Yeng’ Guiao at Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial.
Sa isang linggong nakalipas puro tungkol sa ating pambansang koponang patungong 18th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2019 sa China sa darating na August 31-September 15 ang mga naglabasang istorya at kolum sa mga pahayagan (tabloid at broadsheet).
Gayundin sa mga web portal o online. At maging sa ilang radio at television stations.
Ako mismo ang nagtanong kay Commissioner Marcial kung shelved na ang may ilang taon na ring plano nilang magkaroon ng women’s professional league.
Sinagot naman niyang ‘di naman. Naroon pa rin aniya ang kagustuhan ng men’s pro caging na makatulong sa women’s sport sa paglalagay nga ng women’s division sa PBA.
Pero kung kalian, ‘di pa lang niya masabi kung sa taong ito, sa susunod na taon o tatlong taon pa mula ngayon. Alam ko naman na ‘di lahat ng gustuhin ng isang komisyuner sa PBA, puwede na.
Siyempre kailangan din yan ng approval ng PBA Board of Governors, sa pangunguna ni kasalukuyang Chairman Victorico ‘Ricky’ Vargas ng TNT KaTropa.
Ang Board ang mga kinatawan ng mga team owner sa liga.Tulad halimbawa ni San Miguel Corporation president/chief operating officer Ramon S. Ang, na sa tatlong team ang mga representante niya ay sina Robert Non sa San Miguel Beer, Alfrancis Chua sa Barangay Ginebra San Miguel at si Rene Pardo sa Magnolia Pambansang Manok.
***
Huli man daw at magaling, naihahabol pa rin!
Kaya po belated happy birthday to Mrs. Elsa R. Barrientos of #1479-B Simoun Crisostomo, Dapitan, Sampaloc, Manila, who turned 50 years old last April 18. Greetings coming from your loving husband Brando ‘Dong’ Barrientos.