Women’s hoops tinutulak ni Kume

Ipu-push ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagtatatag ng women’s leage sa bansa habang mainit pa ang tanggap ng ­publiko sa gold medal finish ng Gilas Pilipinas sa women’s basketball ng SEA Games.

Pinangibabawan ng mga Pinay ang 3×3 competitions ng Games, sa unang pagkakataon ay ­sinungkit din ang ginto sa 5×5.

Nagkaroon na noon ang PBL ng semi-pro women’s league noong 1990s pero ‘di nagtagal.

May distaff side din ang ­National Basketball League pero iilang teams lang ang kasali.

Matagal na aniyang niluluto ni Marcial ang side tournament ng PBA para sa mga kababaihan. Pati governors ay sang-ayon dito.

Kailangan lang plantsahin ang ilan pang bagay para mag-full blast.
“Unang-una, scheduling,” anang Commissioner. “‘Di pa ­namin ma-determine kung kailan, kung paano ‘yung conduct of the tournament.”

“Pangalawa, players,” dagdag niya. “Ngayon kasi, sa nakikita namin, enough lang ang players for three to four teams. Ang ideal na field para sa akin, walo.”

Pag-aaralan aniya pa kung paano makakakuha ng players sa mga eskuwelahan.
Isa pang problema ay sponsorship.

“’Di naman kasi ganun kadali mag-maintain ng team,” panapos ni Marcial. (VE)