Women’s volley dapat mababad sa training

Women’s volley dapat mababad sa training

Long-term program ang nakikitang solusyon ni Philippine women’s volleyball team libero Dawn Macandili upang makaporma sila sa mga international tournament.

“Dahil hindi kami all year round nagte-training, medyo lagi na lang kaming bago, parang­ bagong team,” sabi ni Dawn patungkol sa women’s squad na hindi man lang nanalo sa volleyball event sa katitiklop lang na 30th SEA Games na ginanap sa Pilipinas.

“Hindi naman kasi nabubuo ang isang team sa ilang months lang o ilang linggo lang, so talagang dapat years na magkakasama and ‘yun ‘yung advantage ng ibang teams ng Thailand, Vietnam and Indonesia kasi sumasang-ayon ‘yung program nila para sa national team.”

Sa kabila ng win-less campaign sa biennial meet, masaya pa rin si Macandili dahil marami silang natutunan.

“Ako, super happy ako sa game na ito kasi despite na slow start kami, sa dulo talaga lumabas ‘yung character ng team. So, magandang start ‘yun na nakita namin ‘yung character ng team na may ganun pala,” saad pa ni Macandili.

“So, it’s a start for us na by the next SEA Games sana tuloy-tuloy ito na ‘yung programa ng volleyball sa Philippines.” (JAT)