SAKTO sa pagpapalabas ng pelikulang Wonder Woman ang official announcement na si Liza Soberano na ang napiling maging bida sa bagong movie version ng Darna.
Si Darna ang masasabing Pinay counterpart ng American superheroine na si Wonder Woman, na after 75 years ay ngayon lang mapapanood sa big screen.
Sa TV lang napanood noon ang Wonder Woman sa hit ‘70s series na pinagbidahan ni Lynda Carter.
65-anyos na ngayon si Carter, na dumalo sa premiere ng WW at rumampa sa red carpet kasama ng bidang si Gal Gadot.
Daig ni Darna si Wonder Woman dahil makailang beses na itong nagawan ng pelikula at serye sa telebisyon.
Siguradong excited din ang millennial Darna na si Liza na mapanood ang Wonder Woman dahil lalo siyang mai-inspire na i-portray ang iconic Darna role ‘pag napanood niya ito.
Umaani ng papuri ang WW na kung tawagin ng mga kritiko ay ‘The Best DC Film Since The Dark Knight.’
Ayon sa review ng Entertainment Weekly, “Wonder Woman is the smart, satisfying DC movie you’ve been waiting for.”
Unanimous din ang mga papuri sa Israeli actress-beauty queen na si Gal Gadot bilang bidang Amazonian princess na si Diana Prince.
Ang Wonder Woman ang first major studio superhero film na dinirehe ng isang babaeng direktor.
Hindi blockbuster Hollywood director si Patty Jenkins, pero critically-acclaimed ang 2003 crime drama film nitong Monster, na nagpanalo kay Charlize Theron ng Oscar Best Actress.
Si Erik Matti ang magdidirek ng Darna ni Liza Soberano.
Sana ay maabutan din namin ang panahon na ang Darna ay ididirehe ng isang female filmmaker katulad ng Wonder Woman na naghuhumiyaw ng female empowerment.
Ngayong araw na ito ang opening day ng Wonder Woman sa mga sinehan sa Pilipinas.