IMPRESSIVE! Tinatayang $100.5M ang opening weekend gross ng Wonder Woman sa North America.
Ito ang pinakamalakas na opening para sa isang pelikula na babae ang direktor.
Kinabog nito ang previous record holder na Fifty Shades of Grey, na $85.1M ang debut noong 2015.
Sa international market ay tinatayang naka-$122.5M agad-agad ito sa 55 territories.
Kabilang dito ang China ($38M), UK ($7.5M), Mexico ($8.4M), South Korea ($8.5M), Brazil ($8.3N), Australia ($4.9M), Russia ($4.8M) at Indonesia ($4.7M).
Syempre pa, sa lupang hinirang ay wonderful din ang movie ni Gal Gadot!
Say mo, Laharni London vda. de Resorts World?!