Wong, Ateneo tumuka; NU bulagta

Wong, Ateneo tumuka; NU bulagta

sigurado sa f4!

Kumahig si Ma. Deanna Izabella Wong ng 33 excellent sets upang limang kakuwadra ang makakuha ng 10 points pataas upang muling madagit sa four-set ng Ateneo de Manila University ang National University, 25-18, 24-26, 25-18, 25-19, sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament second rund eliminations nitong Linggo sa Araneta Coliseum.

Tumirada ng season-high 13 pts. each si best player of the game Julianne Marie Samonte, may gayunding hampas si Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino, umindayog ng 12 markers si Madeleine Yrenea ‘Maddie’ Madayag at nakatig-10 sina Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston at team skipper Isabel Beatriz ‘Bea’ de Leon.

Diretso sa 10 straight win ang Lady Eagles para paderan ang liderato sa 10-1 win-loss record at higit sa lahat sumulong na sa Final Four, kasabay sa paghaltak pabulusok sa Lady Bulldogs sa 3-8 sa pagkapako sa sixth place at lapit sa pagbabakasyon.

Ito na ang 10 consecutive appearance ng Loyola Heights-based volleybelles sa semis ng 8-team league.

Pero bahagya pang di kuntento si Oliver Almadro sa pinakita ng kanyang mga kampon.

“Yung game namin today medyo slow kami kasi alam nyo naman law of averages, so I guess ito yun. Sana we peak at the right time. Marami pa rin kaming adjustments na dapat gawin, marami pa rin kaming dapat na i-perfect. We really have to work harder pa,” buladas ng coach ng mga Atenista sa pag-sweep sa mga balibolista ng Bustillos sa two-round elims.
(Janiel Abby Toralba)