Word of the year ang katagang “misinformation.”
Ito ang napili ng Dictionary.com bilang salita ng taon bunsod na rin ng mga nangyaring debate ngayong taon hinggil sa katotohanan at kasinungalingan partikular na sa mga prominenteng politiko sa Amerika, ayon na rin kay Dictionary.com linguist Jane Solomon.
Una nang napili ang salitang “complicit” noong 2017 kung saan tinatayang may 90 million monthly users ang nasabing site.
Magugunitang “fake news” naman ang napiling word of the year ng Collins English Dictionary dahil sa malawak na paggamit sa kataga sa nakalipas na taon.
Taong 2005 pa lang, ayon na rin sa Collins, ay nasimulan nang gamitin ang fake news pero naging popular lang ito noong 2016 sa gitna ng US presidential elections.
Maging sa Pilipinas ay kalimitan na ring ginagamit ng mga Pinoy ang salitang fake news.