Word war ng 2 senador sumabog na

Sumabog na rin ang “word war” sa pagitan nina Senators Leila de Lima at Alan Peter Cayetano.

Ito’y makaraang ­soplahin ni De Lima ang patutsada ni Cayetano na dapat mag-inhibit ang senadora sa ginagawang im­bestigasyon kaugnay sa sinasabing extrajudicial killings.

Isang big “no” ang sagot ni De Lima sa iginigiit ni Cayetano.

Ani De Lima, walang dahilan upang mag-inhibi­t siya sa imbestigas­yon at lalong wala umanong basehan ang sinasabi ng kapwa senador na siya’y bias sa pagdinig.

“No, why should I. I’ll rather that the people judge me on whether­ or not I am being objective in the conduct of ­inquiry.

I not gonna face that to the opinion of someone whose evidently been the defender and apologist of the President in the Senate. Sino ang bias sa amin? Siya nga ang very bias in favor of the ­administration,” patutsada­ naman ni De Lima kay Cayetano.

Nauna nang iginiit ni Cayetano na mag-inhibit sa imbestigasyon sa serye­ ng patayan kasabay ng kampanya laban sa iligal na droga si De Lima.

Nanindigan si Caye­tano­ na hindi na maaaring pamunuan ng lady senator ang imbestigasyon dahil sa hinatulan na umano nito ang mga pulis na sangkot sa extrajudicial killings.

“Prine-judge na niya ang kaso including ang statement niya kahapon,” ani Cayetano.

Tinutukoy ng senador ang sinabi ni De Lima na ang pagpatay ng Pasay City police sa isang pedicab driver ay “certainly a summary execution” at sa mga sinabi ng senador sa pagdinig ng Senate committee on justice and human rights nitong Lunes at Martes.

Ani Cayetano, dalawa na lang ang pagpipilian ni De Lima, ang “ma­ging fair sa hearing o mag-inhibit”.