Naging maganda ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar ang kabuuan ng working visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Indonesia nakaraang linggo.

“Alam mo working visit siya sa Indonesia pero iyong pagtanggap sa kanya katumbas ng isang state visit; lahat ng honors na katumbas nu’ng state visit ay binigay kay Pangulong Duterte ni Presidente (Joko) Widodo,” pagbibi­gay-diin ng PCO chief.

Ipinagmalaki rin ng Palasyo na ilang usapin na napag-usapan ng dalawang lider katulad ng maritime security ang napagkasunduan.

Saklaw din aniya ng naging pag-uusap nina PDu30 at Widodo ay ang border patrol at kidnapping at maging ang problema sa iligal na droga.

Nabanggit din ni Andanar na matindi ang paghanga ng anti-drugs department ng Indonesia sa laban ng gobyerno sa iligal na droga.