Workout, exercise sa bahay o bakuran

Mahirap na talaga ang katayuan nating lahat sa panahon ng pandemic-COVID-19.

Gayundin siyempre ang tulad kong nasa sektor ng (sports) media at isang marathoner/runner din.

Nami-miss ko nang bumalik sa normal ang lahat.

Lalong-lalo na ang morning jogging tuwing ikalawang araw na pampalakas ng katawan at pampabuti ng pakiramdam.

Tiniklop ko na ang mga running singlet at running short ko. Nilabahan ang running shoes at ‘jogging’ shoes ko. Pati watch, baller, sport bottle at iba pang gear, ready na rin.

Pero ilang araw, ilang linggo, ilang buwan na tengga pa rin.

Hayy.. ang hirap talaga!

Tinatiyaga ko lang muna sa exercise, 3-4 times a week sa umaga.

Kaya lang kating-kati na ang mga paa ko sa kalsada. Ang road running, road race. Mahirap mag-jogging place sa loob ng bahay o sa bakuran.

Pero ginagawa ko pa rin para hinding maging chubby. At siyempre maging malayo sa anumang karamdaman, atake sa puso, stroke o iba pang sakit.

Sana kayo rin diyan.

***

Idalangin po nating lahat na matapos na po ang coronavirus disease 2019. Mag-ingat po tayong lahat bawat araw, panatilihin pong malakas ang pangangatawan at ang mabuting kalusugan.

Kapag nasa ‘new normal’ na kung ipapahintulot ng Poong Maykapal, magkaroon na po tayo palagi ng oras na makipag-heart-to-heart talk kay Lord, saan mang lugar man tayo, anuman ang ating ginagawa, kahit anong oras.

Nagalit yata Siya dahil marami sa atin ang puro socmed (FB, IG, Twitter, Viber, TikTok, etc.) na lang. Kahit short prayer daily nakaligtaan na. Family time labis na kinain ng mga gadget. Magmula sa magulang hanggng sa mga anak. Iba pang miyembro ng pamilya.

***

Kung gusto po ninyong mag-reaksiyon o magtanong, mag-email lang po kayo sa akin sa ramilcruz2003@gmail.com at sa ramilcruz2003@yahoo.com.

Hanggang sa susunod pong Martes mga Ka-Abante TONITE.

God bless us all!