World Archery: Wala ng 2020 OQT, PQT

Iniusog ng World Archery (WA) ang apat na Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa taong ito sa susunod ng taon para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 habang ihahayag pa ang sa 16th Summer Paralympic Games 2021 na mga nakatakda sa Tokyo, Japan.

Kinansela ng WA ang mga 2020 OQT at Paralympic Qualifying Tournament sa 2021 sa pag-iingat sa mga atleta, coach ay official sa coronavirus disease (COVID-19).

Idaraos ng world governing sport body ang mga Continental Olympic qualifier sa Americas, Europe at Oceania, na nakatakdang isagawa ngayong taon bago kinansela bilang pagtugon sa pandemic virus saka iniurong sa spring at summer na lang ng 2021.

Nausog din ang lahat ng final qualification tournament at itinakdang kasabay na sa Paris stage 2021 Archery World Cup.

Ini-extend ng WA ang panahon para sa bawat isang atleta na makakuha ng minimum qualifying scores hanggang sa Hunyo 28 2021.

Napunan na ng 87 ang 128 archery quotas para sa Tokyo 2020 kung saan lahat ng mga ag-qualify pasok na sa Olympics maski na-reset ang quadrennial sportsfest sa Hulyo 2021 buhat sa parating na Hulyo ng taong ito. (Lito Oredo)