Dahil sa P200M higit ang pinuhunan ng isang world class mountain resort sa Palawan ay inexempt ito ng Puerto Princesa City Government na magbayad ng buwis sa loob ng ilang taon.

Ipinagkaloob ni Puerto Princesa City Mayor Luis Marcaida III ang sertipiko kay AI WORLD Manager Bong Romero na nagpapatunay na hindi magbabayad ang naturang resort ng buwis sa kanilang ari-arian sa loob ng apat na taon.

Sa pahayag ni Mayor Marcaida malaki umano ang maitutulong ng nasabing resort sa mga residente sa Brgy. Bacungan Puerto Princesa City dahil kahit mga huling isda ng mga residente ay ang nasabing resort ang bibili na gagamitin sa kanilang restaurant.

Ang nasabing pribilehiyo ayon sa alkalde ay ipinagkaloob ng local government alinsunod sa Section 22 ng Puerto Princesa Investment Code of 2010 sa ilalim ng Ordinansa bilang 461 na pinagtibay noong Enero 7, 2011.