WALANG magaganap ngayong taon na World Figure Skating Championships.

Ito ay matapos na kanselahin ng International Skating Union (ISU) ang tatlong World Championships dahil na rin sa matinding panganib na bitbit ng nakamamatay na sakit na coronavirus.

Kinansela ng ISU dahil sa pandemic ang tatlong torneo sa World Figure Skating Championships na inihayag nitong postponed indefinitely habang ipinaalam din nito na “it is not feasible to rearrange the events for later in the year.”

Isinagawa ang online meeting sa pagitan ng ISU Council bago tuluyang nagdesisyon.

Ang Montreal sa Canada ang magsasagawa sana sa World Figure Skating Championships noong Marso 16-22. Nakansela din ang World Short Track Speed Skating Championships na orihinal na itinakda sa South Korean capital na Seoul noong Marso 13-15 ay napasama sa mga kanselado.

Ang Lake Placid sa United States ang dapat na mag-host sa World Synchronized Skating Championships, subalit ang torneo na isasagawa sana noong Abril 3-5 ay nakatulad sa ibang event.

Sa isang statement na nagkokonpirma sa kanselasyon, sinabi ng ISU na ito ay nakatuon sa “escalating negative COVID-19 developments” pati na sa government restrictions sa travel at public gatherings.

Ang ISU Council ay nakatakdang magsagawa muli ng online meeting sa Abril 28 upang pag-usapan ang kalendaryo ng asosasyon partikular na sa pagplano sa 2020-2021 season.

“The objective is to work out and communicate to all stakeholders options suitable for different scenarios in order to limit the uncertainty to the strict minimum,” sabi ng global governing body.

Mahigit na sa 150,000 ang namatay sa COVID-19 sa buong mundo kung saan ang pandemic ay halos nagtulak sa tila total shutdown sa sporting calendar dahil na rin sa pagbabawal sa mass gathering at overseas travel na istrikto na ipinapatupad sa mga apektadong bansa. (Lito Oredo)