World leader

Isang Japanese horse na ngayon ang lider ng Longines World’s Best Racehorse Rankings para sa taong kasalukuyan.

Ito ay si A Shin Hikari, 5-taong anak ng pamosong stallion na si Deep Impact na biglang pumailanlang sa unahan ng rankings matapos ang panalo sa Prix d’Ispahan sa Chantilly, France.

Ito ay pag-aari ng Eishindo Co. Ltd. at nasa pamamahala ni trainer Sakaguchi Masanori habang ang regular rider nito ay ang pamosong Japanese rider na si Yutaka Take. Si A Shin Akari ay may pinakamatin­ding ra­ting na 129 para pamunuan ang standings.

Nasa likuran niya si California Chrome matapos ang panalo nito sa nakaraang San Diego Handicap at binigyan ng ranking na 128. Siya ay may 126 matapos mapanalunan ang Dubai World Cup noong Marso at makuha ang leaderboard.

Sa panalo ni A Shin Hikari sa France, bumagsak si California Chrome sa pangalawang puwesto.

Si California Chrome pa rin ang highest American horse sa standings na kinabilangan ng tatlong iba pa sa Top 10.