‘World record’ walang kukurap ni Paolo, bumida sa New York Post

Naitampok sa isang artikulo ng New York Post sa Amerika ang “world record-breaking” ni Paolo Ballesteros sa “Bawal Kumurap” segment ng “Eat Bulaga!”.

“An actor, comedian and TV host in the Philippines set an unofficial world record for not blinking for a whopping one hour, 17 minutes and three seconds during an on-air contest. Paolo Ballesteros took part in the “No Blinking Challenge” on the TV show “Eat Bulaga!” over the weekend,” sabi sa naturang artikulo.

Sa “Bawal Kumurap” challenge noong Sabado, October 5, nagawa ni Paolo, 36, na hindi kumurap sa loob ng isang oras, 17 minuto, at tatlong segundo, ayon sa longest-running noontime show.

Batay sa Guinness World Records, walang official record para sa pinakamatagal na hindi pagkurap pero sa website na RecordSetter.com, isang Julio Jaime mula sa Colorado ang nagawang hindi kumurap sa loob ng isang oras, limang minuto at 11 segundo noong 2016, na kung ihahambing sa oras ni Paolo ay taob ito. (IS)