Malapit na ang 2020 World Slasher Cup (WSC) 1 9-cock invitational international derby, magsisimula ang salpukan sa Enero 20, siyempre sa Araneta Coliseum pa rin.

Ang nasabing derby ay sa taong ito ang magbibigay pugay sa isa sa mga tumulong para umunlad ang WSC, siya’y si legendary American breeder at WSC pioneer Ray Alexander na sumakabilang buhay nakaraang taon.

Kay Alexander nanggaling ang ibang warriors na mga nagkampeon sa WSC, sa madaling salita mara­ming bigtime na sabungero ang gumamit ng kanyang mga palahi. Isa rito si Nene Araneta, kaya tiyak na maraming susuportang bigtime breeder sa edition ngayon ng WSC.

Sana makapasok ako, hehehe.
***
Mga klasmeyt samantalahin ko na rin itong pagkakataon, sa susunod na buwan magsisimula na akong mag-breed ng sarili kong warriors.

Panibagong simula ito kasi bumili ako ng mga materyales, kapag maganda kinalabasan at maiinam ay saka ako magsi-share sa abot-kayang halaga lang siyempre.

Kaya abangers kayo sa FB ko. Magpo-post ako roon kapag ready nang pakawalan.
***
Congratulations sa mga nag-champion sa katatapos na 2-cock timbangan sa Vergara, Mandaluyong.

‘Yung isang nagkampeon ay kaibigan ng kaibigan ko si Boss Brando na taga-Angat, Bulacan at si Boss Memeng na tropa ko sa Pandacan, mabuhay kayo at sana magtuloy ang tagumpay niyo ‘di lang sa pagsasabong pati sa pagbi-breed.