World taekwondo champion tumulong sa mga magulang

Napabilang sa humahabang listahan ng mga national athlete na may ginintuang puso sa panahon ng coronavirus disease (COVID-19) si 2016 Lima World, Pasay Asian Taekwondo Poomsae Championships at 2019 PH Southeast Asian Games gold medalist Jeordan ‘George’ Dominguez.

Kakalunsad lang ng 27-anyos at tubong Bauko, Mountain Province na tgaekwondo jin ng fundraising, at tumulong sa mga magulang na walang pambili ng gatas at gamot para sa mga kanilang anak sa Baguio City kung saan dating estudyante siya at residente na ngayon dito.

“I’m doing this fund-raising to lend a helping hand to mothers and fathers who cannot afford to buy milk, diaper, foods, and medicines for their little ones,” pahayag ni Dominguez.

Hinirit ng atleta, na marami na siyang nababasa sa mga post sa socmed mula sa mga haligi at ilaw ng tahanan, at iba pang indibidwal na nananawagan ng panggatas para sa kanilang mga sanggol, ila’y nagsabing pinapasuso na lang ng tubig na may asukal, o kape ang kanilang mga baby na dumurog sa kanyang puso.

At bilang ama ng tatlong anak na lalaki, dama ng kasapi ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kalooban ng mga magulang ng mga bata na nag-udyok sa kanyang umayuda sa mga nawalan ng trabaho o apektado ng global pandemic. (Ramil Cruz)