INILUNSAD ng World Taekwondo (WT) ang kampanyang ‘Kicking It At Home’ upang maengganyo ang mga atleta at lahat ng tao na manatili sa kanilang bahay habang nagaganap ang pandaigidagag pagsugpo at paglaban sa coronavirus disease 2019 pandemic.
Pinapakita ng online campaign ng world sport governig body, na sumusunod ang mga atleta sa kanilang restrictive measures sa pagtengga lang sa kanilang mga tahanan upang hindi mahawahan o magkaroon ng COVID-19.
Mapapanood ang programa sa Youtube, na unang video sa kampanya tampok ang Para-taekwondo jins.
Kabilang dito sina Gamze Gurdal ng Turkey, Angelica Espinoza ng Peru, Bopha Kong ng France, Lisa Gjessing ng Denmark, ang Mexican na si Juan Diego Garcia Lopez, Veena Arora ng India, mula Brazil na si Nathan Torquato, Alejandro Vidal Alvarez ng Spain at taga-Italy na si Antonio Bossolo.
Ang iba pang video ay nagpapakita sa mga atleta sa buong mundo na nagsasanay sa kanilang bahay kagaya tulad nina Egypt Olympic bronze medalist Hedaya Malak at African champion Abdelrahman Wael.
“We have launched a digital campaign #KickingItAtHome to show how fighters are coping with the global situation Check out the video: https://t.co/GecjfOllFB #WorldTaekwondo #StayHealthy #StayActive #StayHome #Taekwondo pic.twitter.com/A8qaBUqrAW,” ayon sa naturang international federation (@WorldTaekwondo1).
May video rin na nagpapakita sa mga bata at mga atletang Iranian na nagsasanay lang din sa kanilang bahay.
Pinostpone ng WT ang halos lahat ng itinakdang international at continental events dahil sa virus. (Lito Oredo)