World Water Day: SMC nakatipid ng 4 bilyong litrong tubig sa isang taon

Nakatipid ng apat na bilyong litro ng ­tubig ang San Miguel Corporation (SMC) na katumbas ng araw-araw na paggamit ng tubig ng humigit-­kumulang 137,000 na kabahayan sa loob ng isang taon.

Ito ang pahayag ng naturang kompanya ukol sa water sustainability project o “Pro­ject 50×2025” nito na naglalayon na makabawas ng water footprint at upang mabawasan ang ginagamit na tubig ng 50 porsiyento sa ­taong 2025.

Nakabawas na ng 14% na ginamit na tubig ang mga negosyo ng SMC sa food, beverage, power, fuels, petroche­micals at infrastructure.

“This is more than half of our mid-point goal of 20% reduction by year 2020, and we’re only just beginning. We’re pleased with these results and we’re ­eager to reduce it further,” wika ni SMC President Ramon S. Ang.

Kabilang sa water reduction measures ay ang pagpapalit sa paggamit ng tubig-dagat mula sa dating paggamit sa groundwater, surface water at water district supply.

“The first year has been about instilling a culture of conservation among our employees, and impro­ving water systems and processes, where possible. From now through 2020, our goal is to cut as much as we can by impro­ving water management, utilizing rainwater ­harvesting, and increasing the amount of water we ­recycle and re-use,” ani G. Ang.

“We will be retrofitting older facilities with more efficient water systems. All new facilities being built under our current capacity expansion program will already adopt features that make them water and energy efficient,” ayon pa sa kanya.

Pinag-aaralan din ng kompanya ang teknolohiya sa tubig para tulu­yang maabot ang target sa 2025.

“We can expect even better results in the co­ming months and years, as our subsidiaries continue to implement the various programs they’ve identified to support this group-wide goal,” dagdag pa niya.