Matindi ang bagong serbisyo ng Goodyear Philippines para sa mga parukyano na dapat tangkilikin ng mga motorista para hindi magkaproblema sa lansangang puno ng trapik at mga butas.
Inilunsad ang Goodyear Worry Free Assurance para sa mga motoristang bibili ng tires at mabibigyan ng paniguradong walang problema sa pagmamaneho.
Sa pagbili ng dalawang Goodyear tires ay libre ang Goodyear Worry Free Assurance card na maraming kalakip na benepisyo. Sa pakikipagtulungan sa MAA General Assurance, may 24/7 Emergency Roadside Assistance na magagamit kapag nagkaroon ng emergency.
Meron ding P50,000 personal accident insurance para sa driver ng naka-enroll na sasakyan. Ang maganda, limang taong limited warranty ang tires na binili ninyo kasama ang isang taong Road Hazard Warranty at 0% interest payment scheme sa loob ng anim na buwan.
Dahil sa matinding kumpetisyon sa merkado ngayon, sadyang maganda itong naisip ng Goodyear Philippines dahil wala pang nagbibigay ng ganitong serbisyo sa mga motorista sa bansa.
“Goodyear is committed to being the most trusted brand in tires and automotive services in the country. Recognizing that high quality services are extremely important to our customers in the maintenance of their vehicles, customers of our Goodyear Autocare outlets will be served by an expert team who are provided with the latest equipment in auto servicing.
And with the Goodyear Worry Free Assurance warranty program, we are stepping up and setting the bar high for unparalleled warranty offerings,” ani Kenneth Sambajon, Goodyear Philippines market director.