Mali umano ang nakarating na impormasyon kay Magdalo Rep. Gary Alejano kaugnay sa isang sand bar na kinakitaan ng nakatirik na bandila ng China.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Restituto Padilla, kawayan lamang na may nakasabit na plastic ng basura ang sinasabing nakita sa sand bar malapit sa Kota Island.

Sa nasabing isla umano mayroong isang detachment ang AFP.

Giit ni Gen. Padilla, sa kanilang ginawang beripikasyon lumalabas na ang sinasabing bandila­ ay isang 4 feet na taas na kawayan.

Nakasabit umano sa nasabing kawayan ang isang plastic bag na may mga bote ng plastic.

Inalis na umano ng AFP ang nasabing kawayan na inakala ni Alejano na bandila ng China.

“This is the issue raised by Cong Alejano recently about a sand bar near Kota Island, where we have one of our detachment.

He reported that a Chinese flag was seen there but upon verification there was none. There was a bamboo pole about 4 feet high that had a mesh bag of trash (plastic bottles) hanging on it. He may have been misinformed,” ayon pa kay Padilla.