Sugod ang local at international cockers sa ikalawang round ng “2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby” ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Libo-libong sabungero ang nagsiksikan sa unang araw kahapon na 100 entries ang mga sumiyapol sa pangu­nguna ng Pintakasi of Champions at buong suporta ni Pitgames Media CEO Manny Berbano. Isponsor din ang Thunderbird, Emperador at Powertrac.

Hindi nakasali si businessman Larry Rubinos ng Tagum City dahil sa delayed flight. Pero may dalawang entries sa araw na ito gamit ang Millionaire 5k lines ni Dink Fair ng Kentucky, USA.

Si defending champion at sabong idol Patrick Antonio, na nagkampeon sa World Pitmasters Cup noong Sabado, ang lider ng Team Philippines mamaya kasama ang past WSC champs.

Sila ay sina Biboy Enriquez, Nene Araneta, Ray Alexander ng Alabama, Rey Briones, Dicky Lim, Joey Sy, Ed Aparri, Art de Castro, Boy Marzo, Frank Berin, Dante Eslabon, Escolin Brothers, Rikki Reyes, Magno Lim, Peping Ricafort, Boy de Roca, Honey Yu, Noel Jarin at Joey delos Santos/Bruce Brown ng California atbp.

Tawagan lamang ang WSC derby office: 588-4000 loc 8227 at 911-2928 o bisitahin ang http://www.worldslashercup.ph para sa detalye pa.