Muntik pang masilat ang Phoenix Fuel sa kanilang kinakailangang panalo kahit bumentahe ng 31 points kontra GlobalPort 104-100 sa wakas ng ng PBA Philippine Cup eliminations kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Namaga ang kalama­ngan ng Phoenix sa third quarter sa 66-35, pero naibaba ng GP ng hanggang apat na puntos na lang sa last 26 seconds sa game 98-102.

Ang panalo ng Fuel Masters ay nangangahulugan na mayroon pang bukas para sa kanila na makahabol sa quarterfinals. Playoff sila bukas ng Talk ‘N Text KaTropa.

Ang nanguna para makuha ng Phoenix ang panalo ay si Wright na may 32 points, five rebounds at six assists sa pagbusabos sa mga tumapat sa kanya.

Tumulong si Jeff Chan ng 18 points, at asiste sina Gelo Alolino at RJ Jazul ng tig-10 puntos para makatapos sa single round elims na may 5-6 rekord, gaya ng biniktima.

Malaking kawalan si Kelly Nabong para sa Batang Pier, Napatalsik siya sa laro sa 2:39 ng second quarter matapos pagsalitaan nang maaanghang ang referee at si PP coach Louie Alas.

Unang beses naman nasilayan sa All-Filipino Cup ang key guard ng Batang Pier na si Terrence Romeo matapos magpa­galing ng injury. Nagtala siya 20 pts. sa kaniyang pagbabalik.

Kasama kumayod niya sina Sean Anthony na may 17 points, 8 rebounds, at five assists, at Stanley Pringle na naka-16 puntos, mababa sa kaniyang average na 20.6 per game.

Pero kahit na natalo ang GlobalPort siguradong may puwesto na sa quarters na maaring yun 6-7 depende sa magi­ging resulta bangasang Ginebra-Rain or Shine.

“Good thing we had a huge, huge lead,” bigkas ni Alas. “We don’t know how to finish until now. But sabi ng mga idol kong coaches, a win is a win, but we have to learn from it.” (Christian Cortez)