Sa pangunguna ni Sandrex Gainza, nakapag-uwi ang Team Pilipinas isang gold, dalawang silver at isang bronze sa pagsabak sa 10th Asian Junior Wushu Championships sa Brunei nitong Agosto 19-24.
Tinala ni Sandrex Gainsan ang pinakamagandang resulta para sa pambansang delegasyon na may apat katao sa koponan tapos mapagwagian ang boys’ quiang-shu. Nakakuha rin ng 15-anyos na wushu artist mula Quezon City ang silver sa changquan.
Nagdagdag naman si Marklester Ragay, 14, ng isa pang silver sa boys’ gun-shu habang ang 12-anyos na si Alexander delos Reyes ang naka-bronze sa changquan event.
Ang koponan ay nasa ilalim no coach Mark Rosales. Si Wushu Federation Philippines secretary general Julian Camacho ang tumayong puno ng delegasyon.
Nagsilbi ang okasyon bilang paghahanda sa ng national wushu team para sa itataguyod ng bansa na 30th Southeast Asian Games 2019 sa darating na sa Nobyembre 30-Disyembre11. (Lito Oredo)