Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon ng wardrobe malfunction si World Wrestling Entertainment Royal Rumble superstar Becky Lynch habang nakikipaglaban kay reigning champ Asuka.
Sa kalagitnaan ng laban, bumaba ang costume ni Lynch at sumilip ang kanyang dibdib. Kitang-kitang ang utong.
Mabilis naman na-cut ng mga cameraman ang eksena na nagdulot ng isang screen blackout.
Sa kasamaang palad, hindi naman nasungkit ni Lynch ang titulo ni Asuka na Smackdown Women’s title.
Dinumog ng sari saring reaksyon mula sa mga netizen ang nangyari ni Lynch.
“Did anyone catch, Becky Lynch’s boob popping out?! That’s why the screen went black,” tweet ng isang netizen.
Wala pang reaksyon si Lynch tungkol dito.