Mahigit isang libong mga estud­yante mula sa elementarya ang nag-abang at naghintay sa pagdating sa Malacañang ni Chinese President Xi Jinping.

Alas-10:00 pa lang ng umaga ay dumating na sa Malacañang ang mga estudyante mula grade 3 hanggang grade 6 bitbit ang mga banderitas ng watawat ng Pilipinas at China.

Bahagi ang mga batang estud­yante sa welcome ceremony na ibinigay kay President Xi.

Ang mga ito ay mula sa Aurora Quezon Elementary School at Epifanio Delos Santos Elementary School sa Paco, Manila.
Tinuruan ang mga estudyante na magsalita ng Chinese translation gaya ng sa “welcome to the Philippines” at ­“Mabuhay.”

Karaniwang may mga batang estud­yante sa elementarya na sumasalubong sa mga bumibisitang Heads of State sa Malacañang subalit hindi umaabot ng isang libo ang bilang.