Xi Jinping nangako ng $12B kay Duterte

Higit sa US$12 bilyong halaga ng mga investment ang ipina­ngako ng pamahalaan ng China sa pangunguna ni President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nilagdaang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Nakapagsara ng 19 na kasunduan ang mga economic manager ni Pangulong Duterte na nagkakahalaga ng US$ 12.165 billion sa pagdalo sa 2nd Belt and Road Forum sa Beijing, China.

Sinaksihan ng Pangulo, Biyernes nang gabi ang paglalagda sa mga kasunduan na may kinalaman sa enerhiya, infrastructure and telecommunications, economic zone and industrial park development, turismo, pagkain at agrikultura.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na inaasahang magbibigay ito ng 21,000 na karagdagang trabaho para sa mga Pilipino.

“Among the agreements are energy projects that will help the country decrease its independence on oil and gas imports. There will also be several industrial parks to bring jobs to Filipinos in the countryside,” ani Lopez.

Bukod sa mga naselyuhang investment, sinabi ng kalihim na nagpahayag ng intensiyon ang kompanyang AAC Technologies na mag-expand ng kanilang kasalukuyang operasyon sa Pilipinas at pla­nong maglagak ng karagdagang US$30 million para mag-manufacture ng stepper motor at motor reducer na magdadagdag ng 3,0000 trabaho sa susunod na tatlong taon.

Dalawang Pilipinong kompanya naman ang nakatakdang mag-supply ng US$40 million halaga ng mga pinya sa China at US$36.5 million na halaga ng mga buko na magdadagdag ng trabaho para sa mga Pilipino. (Aileen Taliping)