Xian ‘di maipaliwanag ang pamamaril kay Kim

Ang diva that you love, nagpadala ng direct message sa pamunuan ni Xian Lim at itinanong sila kung may reaksyon ito sa nangyaring pamamaril sa kotse ni Kim Chiu.

May post na ngayon si Xian sa kanyang Instagram account: @xianlimm ,”Thank you to everyone who expressed their prayers and concern. We can never explain why these horrible things happen. Thankfully there are no casualties. Thank you God for always being by our side.”

Ivana echosera na walang lalaki

Hindi na makakaila na damang-dama na talaga ang rising star ni millennial bathaluman Ivana Alawi.

Lumalabas ang mga dating larawan nila ni Cong. Dan Fernandez bilang patotoo na dati ay malapit nga sila sa isa’t-isa o magpahanggang ngayon ba ay tuloy pa rin ang closeness?

Kanino galing ang pagpapakawala sa mga larawang ito? Makakadiskaril ba ito sa papataas na karera ni Alawi? O, mas lalong mag-iinit ang kanyang estrella at maging katakam-takam sa kanyang adoring public?

Ang kataka-taka pa, bakit kahit nga sinabi na ni Ivana na siya ay currently unattached with anyone, walang gustong maniwala? Ang tingin nila ay echo lang ito.

Well, well, well….karapatan naman ni Ivana na huwag i-dignify ang mga akusasyon at alegasyon, Mas mabuti sa kanya ang manahimik na lamang para ang apoy na may hatid na darang ay hindi maglagablab at makatupok.

Vin mas daks kay Aljur

Hindi lang first love ang turing ni Vin Abrenica kay Sophie Albert. Ito na talaga ang kanyang one and only love.

Kaya sila tumagal ng pitong taon ay dahil sa “we trust each other,” sabi agad ni Vin. “Grabe ang trust, ang communication, walang insecurities at we make time na magkasama kami, magkausap kami. Kasi ang trabaho niya at trabaho ko, magkaiba ang schedule so ‘yung free time namin, we spend together, mostly out of town. Marami ang nagsasabi na pag seven years na kayo, nagkakasawaan na pero kami, if you see us, para kaming four months old pa lang. Ganun pa rin kami ka-sweet, ganun ka-intense.”

“I cannot see my life without her,” deklarasyon pa ni Abrenica.

Samantala, katanggap-tanggap ba sa kanya na si Alden Richards ang bagong kaperaha ni Sophie after magsama ang dalawa sa ‘The Gift”?

Sagot agad ni Vin: “Oo naman, Alden Richards yun. Kahit lagi pa silang pagsamahin sa mga project, kahit pa nga sa pelikula, masaya ako pag nangyari iyun. Sa totoo lang, bagay sila.”

Dahil nga magkapatid sila si Gerald Anderson sa “A Soldier’s Heart,” umaasa ba siya na sa malapit na hinaharap, magsama sila ni Aljur sa isang show? “Bakit hindi? Naku masaya yun,” tugon ni Vin.

Sa totoong buhay sino ang medium, at kung sino ang large, siya ba o si Aljur?

Biglang namula si Vin, na parang hiyang-hiya at ayaw sagutin ang tanong kung makulit. Say ko na lang tuloy, “Dahil nahihiya ka at nag-blush, sure na sure na ako na ikaw ang mas gifted.”

At ang walang halong pag-iimbot at buong katapatan niyang reaskyon sa sinabi ko, sweet na sweet na “Thank you.” Ayaw niya lang na ilaglag ang kuya niya pero confirmed, mas daks siya kay Aljur, huh!

Sa true lang, ang diva that you love, kay suwerteng mahimas-himas ang kanyang wash board abs na kay titigas at pintog na pintog noong kami ay nag-pose together for posterity.

Noong dinantay ko ang kamay ko sa kanyang tiyan, si Vin pa ang nagsabing himas-himasin ko ang kanyang abs para maramdaman ko kung gaano ito ka-formed at siksik.

Siyempre pa, hindi na ako mag-iinarte kaya himas kete himas ang inyong lingcod.Parang kilig na kilig ang mas daks na Abrenica sa paghimas ko sa tiyan niya, huh!