Nakakatuwa itong pinagkakaabalahan ni Xian Lim bukod sa showbiz.

Katatapos lang niyang mag-exhibit ng paintings sa Japan, ngayon naman ay may blog na siya.

Bale actor/painter/blogger na siya at natutuwa siya dahil na-appreciate ito ng fans niya.

May gamit siyang camera kung saan nagkukuha siya ng activities niya sa araw-araw. Me­ron pa siyang nakukunan na nakikita sa blog niya.

“Lahat ng mga ginagawa ko sa personal, mga schedules, not just sa showbusiness but on the different side,” pakli ng Kapamilya actor.

“There’s so many things I wanna share with them na parang nanghihinayang lang ako, kasi, there has to be this platform… I want to have this platform so I can showcase to them or show them what’s going on in my life.

“I think they will enjoy it,” saad ni Xian.

Enjoy siya sa ginagawa niyang blog, pero medyo madugo lang ang editing na inaabot siya ng lima hanggang anim na oras.

Kapansin-pansin ang paglaki ng katawan ni Xian. May pinaghahandaan pala siyang mala­king project.

“Meron kaming gagawin na isang pelikula kaya ganito ang itsura ko.

“We are cooking something for you, guys, kaya exciting ‘to,” napapa­ngiting pahayag ng aktor.

Hindi si Kim Chiu ang kasama niya dahil mukhang may pinagha­handaan ding si Gerald Anderson naman ang kasama ng tsinitang aktres.

Suportado ni Xian ang lahat na plano ng ABS-CBN sa aktres. Hiwalay raw ang trabaho sa personal na isyu nila ni Kim.

***

Gladys Reyes
Gladys Reyes

NAG-POST si Christopher Roxas­ na nagpapasa­lamat sa darating na blessing sa kanilang pamilya.

Bahagi ng caption ng ipinost ni Christopher sa Instagram, “another child in our family…been looking for something to motivate me instead of something you gave me someone.”

May hashtag pa siyang #babysoon.

Nang tinanong namin si Gladys, magpapa-check-up pa lang siya kaya ayaw niyang kumpirmahin.

Ang buong akala kasi ni Gladys, hindi na siya mabubuntis. Kasisimula pa lang niya ng bagong soap sa GMA 7 na Oh My Mama.

Hindi niya alam kung makakaapekto ba ito sa serye niya.

Pero excited siya.

Nagpa-check up si Gladys at na-confirm mismo ng kanyang doktor na preggy siya.

Post ni Gladys sa IG, “In full support! From Daddy Chris to Kuya Christophe, Ate Aquisha & now kuya Grant welcoming the newest member of Sommereux family.”