tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioAng pag-amin ba ni Xian Lim na talagang they are so officially together na ni Kim Chiu, makakatulong para sa box-office chances ng “Hanggang Kailan?”

Wala pang first major, ­major hit sa takilya na pelikulang ­Pinoy kaya ang drama niyang ngayong they are no longer working together, hindi na sila maaakusahan ni Kim na ginagamit nila ang isa’t isa para sa promo ng mga naging pelikula nila dati, will it add more sizzle to him as a leading man knowing the reality na loyal siya sa kanyang one true love?

Mas naging desirable ba siya kasi nga he is on a happy relationship? Ang mga showing of his skin and flesh sa cinematic sexual congress nila ni ­Louise delos Reyes, will it arouse the curiosity of the balana, dabarkads, madlang pipol at sangkabekihan?

Sinasabi niyang hindi pa siya “master” sa mga intimate movie moment at may kuwento pa ngang ilang oras nilang pinag-usapan ni Louise ang kanilang kuyangyangan scene, makikiliti nga kaya ang mga manood ‘pag napanood na ito?
Hindi naman pwedeng ikaila na pang-leading man talaga si Lim pero bakit ‘pag tinitimbang ang kanyang pagiging lalaking bida, tila laging may kulang?

Kung hindi niya kaya inamin na sila na ni Kim, mas marami pa kaya ang magmamahal sa kanya ­dahil nga siya ay single, ready to mingle and open to more ­adventures and ­possibilities?

Heart pinagdudahan ang kapayatan

Kataka-taka na may katkaterang may ganitong eme sa larawan ni Heart Evangelista, “OMGGGG Sizt! Payat ka na ba talaga Baka edit yannn. Hahahaha!” May heart emoticons ang post as if it will soften the blow.”

 

Best in good manners and right conduct pa rin ang tunay na Mrs. Escudero, sumagot pa rin.

 

Ang very well said na sagot ni Evangelista with matching smiley at the end of her statement, “I don’t edit. I work out.”

 

Ganiyan ang sagot, saktong-sakto. Alam mong kahit prebilihiyo ni Heart ang magmaganda at kumikilos siya ayon sa kanyang ganda, walang yabang ang reaksyon. As a matter of fact lang, she works out and maintains her body by ­living well. Sana, ‘yung mga artista na ang libangan ay pumatol sa mga dalahira at katkatera, will learn a thing or two sa pagsagot ni Love Marie.

 

KC umaray sa lait na tabatsoy

 

Ang isa pang ganda-gandahan, si KC Concepcion, “lait” ang tinanggap mula sa isang basher hiding under a fictitious name at ang worst, walang profile picture ang grabeng makapanlait na parang siya na ang pinakamagandang lalaki o ­babae sa mundong ibabaw.

 

Ang hanash ng basher ni Kristina matapos masilayan ang larawan nitong nakaupo, bukakang-bukaka, slender, mocha pull over, teeny-weeny denim shorts at nude stilettos, na kesyo luma na ang photo at “tabachoy” na ang dalaga. Hinaha­mon ­niyang magpakatotoo ito kasi nga isang malaking kasinunga­lingan ang binabalandrang ­la­rawan ni Concepcion.

 

Ang resbak ni Kristina Cassandra sa kanya, na in the first place dapat hindi na niya pina­tulan dahil nga wala itong profile photo at hindi ka pa makakasiguro sa gender assignment nito kasi ang nickname na ginamit, puwedeng pang-lalaki o babae: “I am my own FItSPIRAtION! Why do you have to be so harsh? Don’t you think people can already be harsh on themselves? It hurts.”

 

Bb. Concepcion, next time kung ayaw mong ma-hurt, lahat ng may hindi magandang comment sa iyo, just click the blocked choice and forever na silang hindi ka mapepeste.(Alwin Ignacio)