Xian laging atrasado kay Kim

NI:ARCHIE LIAO

Dati nang nasangkot sa malaking kontrobersya ang Kapamilya actress na si Kim Chiu nang niratrat ng mga nagtangka sa kanyang buhay ang kanyang kotse noon.

Kahit nalagay sa panganib, late na sumaklolo ang kanyang boyfriend and supposed knight in shining armor na si Xian Lim.

Pero nu’ng mga oras na ‘yun abala si Xian sa taping ng ‘Love Thy Woman’. Hapon na rin siya nakapag-post sa Instagram ng suporta sa nobya.

Actually, marami ang nagduda sa tunay na relasyon ng dalawa.

May mga kibitzers ngang nagsabing pang-showbiz lang o pang-teleserye ang ka-sweetan ng KimXi.

Ngayon naman, muli na nanang nirarapido ng mga basher ang aktres dahil sa kanyang pagtatanggol sa ABS-CBN, ang kanyang mother network na nahaharap sa usapin ng franchise renewal.

Ayaw tantanan ng DDS si Kim dahil sa matapang na stand nito tungkol sa shutdown ng Dos.

Late din dumipensa ang kanyang boyfriend na si Xian .

Dahil dito, muli na namang pinuputakti ng intriga ang kanilang loveteam.