PANSIN namin na parami nang parami ang celebrities na mas nag-e-enjoy sa Snapchat kesa sa Twitter at Instagram.
Kung dati ay maraming celebs ang mas gustong mag-Instagram kesa mag-Twitter, ngayon ay parang mas bet na nilang mag-post sa Snapchat.
Big hit sa millennials ang nasabing multimedia mobile app at sikat ito lalo na sa mga bagets, kaya maging si US First Lady Michelle Obama ay nag-Snapchat para ma-reach niya ang mas maraming kabataan sa kanyang isinusulong na advocacy na may kinalaman sa education.
Isa sa masipag mag-Snap ay si Kim Chiu, na mas maraming post na pics and videos sa Snapchat kesa sa Twitter at Instagram.
Nag-show sa London sina Kim, Xian Lim, Darren Espanto at Martin Nievera for TFC nu’ng Sunday.
Paggising pa lang ni Kim sa umaga ay panay na ang snap niya.
Habang nagliliwaliw sa London sakay ng Hop On Hop Off tour bus ay panay ang snap ni Kim ng pics at vids.
Kasama niya si Xian sa mga rampa niya around the city, pero hindi sila swit-switan.
Parang mas aligaga pa si Xian sa paglalaro ng Pokemon Go sa kanyang celfone kesa makipagmatamisan kay Kimmy.
Kahit sa mga pic na pinost nila sa IG ay solo-solo ang KimXi at walang magkasama silang dalawa sa pic.
Hindi gaya ng ibang loveteam na hindi mapaghiwalay at magkadikit sa halos lahat ng litrato lalo na ‘pag nasa abroad.
Enjoy panoorin ang magkakasunod na pics at videos sa Snapchat, kaya lang ay 24 hours lang ang tinatagal ng mga ‘yon at pagkatapos ay mawawala na.
Hindi gaya sa ibang social media app na nandu’n lang ‘yung mga pinost mo.
At mas madaling mag-save, mag-grab o mag-screencap ng photos sa IG, Twitter at Facebook kesa sa Snapchat.
***
Ang mag-sweetheart na Anne Curtis at Erwan Heussaff ay parehong active Snapchat users din.

Parang mas maraming snaps si Erwan na mula sa early morning workout nito, mga niluluto nito, activities for the day, hanggang sa gabi ay well-documented sa nasabing app.
Ang bongga ni Erwan dahil nagpo-provide siya ng content sa Snapchat mismo, so meron siyang cooking segment na regular na napapanood sa Tastemade channel ng Snapchat.
Nakita namin sa Snaps ng beautiful couple na nasa Japan sila this weekend. From Tokyo ay sinadya nilang puntahan ang 20th Fuji Rock Festival.
Tuwang-tuwa ang biyaherang magsyota dahil bukod sa music festival ay para rin itong isang food festival sa dami ng mga pagkain na binebenta sa paligid ng outdoor venue.
Hilig nina Anne at Erwan ang magpunta sa iba’t ibang musicfest. Na-experience na nila ang Coachella sa Amerika at iba pa.
Isang pic lang ang nakita naming pinost ni Anne kahapon sa IG, pero sa Snapchat ay ang dami niyang ni-share na videos at photos na kuha sa kanilang latest Japan adventure ng kanyang hot boyfie.