Marami ang nag-react sa photo ni Xian Lim na nag-circulate online kung saan pa-mature na ang kanyang look.

Kuha ito sa shoot ng kanyang ginagawang pelikulang “Untrue” na kapareha si Cristine Reyes.

Aminado naman ang Viva artist na sinadya niyang mag-gain ng 20 lbs. para sa kanyang role bilang Joachim sa natu­rang pelikula na idinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo at kinunan pa sa Georgia.

Marami ang bumilib sa dedikasyon ni Xian sa kanyang craft na talagang kinakarir ang kanyang hitsura para makapag-adjust sa ­kanyang role.

Nagmukha raw itong mature na sign na goodbye na nga siya sa mga boy next door roles.

Gayunpaman, meron ding iba na hindi bet ang kanyang hitsura na animo raw ay mabaho, marusing at hindi naliligo. Malayo raw ito sa Xian na malinis ang imahe at panga­ngatawan. ­