KONTROBERSYAL ang lifestory ni Jake Zyrus na itinampok sa MMK last week sa ABS-CBN.

Ngayong gabi, matutunghayan naman sa MMK ang istorya ng magsyotang adik.

Nang makita ni Randy (Xian Lim) ang paghihirap ng kanyang ina, sinakap niyang makatulong sa pamilya bilang isang macho dancer.

Dala ng pakikipagkaibigan, nahimok siya ng mga ito na gumamit ng droga upang maibsan ang lungkot na nararamdaman.

Sa gitna ng pinag­daraanan ay makikilala niya si Mutya (Shy Carlos), na tulad niya ay nagdodroga.

Madalas silang magkakasama at sabay na gumagamit nito na nagbigay-daan para magkalapit ang loob nila sa isa’t isa.

Paano nabuo ang kanilang pagtitinginan?
Ano ang nag-udyok sa kanila para magbagong buhay?

Anong mga hamon ang kinaharap nila sa matinding desisyon na ito?

Kasama din sa ­episode na ito sina Nonie Buencamino, Shamaine Buencamino,­ Junjun Quintana, Marc Acueza, Lloyd ­Zaragosa, Tom Doromal at Bea Basa.