PROUD si Xian Lim sa panibagong challenge sa kanyang career bilang artist. Hindi bilang isang aktor, kun’di isang painter.

Dalawang beses na siyang nakapag-exhibit dito sa atin at maganda raw ang feedback.

Kakaibang experience itong huli niyang ginawa na kung saan kasama siya sa ilan pang contemporary artists na nag-exhibit sa Japan.

Kararating lang niya mula sa Osaka, Japan kung saan kabilang siya sa nag-exhibit sa 2664Km, ang title ng kanilang exhibit doon na ang ibig sabihin, ang distance mula Maynila hanggang Osaka.

“Ang daming lear­nings nu’ng trip,” pakli ng Kapamilya actor.

“It’s my first time to going out of the country to show my artworks. Iba naman ‘to, not a usual na lalabas na may meet and greet. Iba, eh.”

“Especially na meron pa tayong language barrier, hindi nagkakaintindihan.”

“So, curious talaga ‘yung mga Japanese collectors, meron ding members from the press. They’re curious kung ano talaga ang gawa ng Pilipino.”

Hindi raw sila aware na artista siya sa Pilipinas. Kaya nu’ng sinubaybayan siya sa kanyang social media account, du’n sila nagulat nang nalaman nilang isa siyang sikat na aktor sa atin.
Pero iba raw ang fee­ling at fulfillment na naramdaman niya dahil dito niya naipakita ang isa pa niyang talento.

“Grabe, parang punung-puno ‘yung puso ko.”

“I felt like a new person na being able to show my works, and my work being appreciated by a­nother country sa Japan.”

“Hindi naman nila alam na nag-aartista ako,” saad pa ng aktor.

Dahil sa magandang feedback sa mga gawa niya na kabilang sa exhibit, ang dami na raw nag-imbita sa kanya roon na mag-exhibit na rin.

Sunud-sunod na raw ang schedule na binigay sa kanya na mag-exhibit sa Malaysia, sa Taipei at sa Sapporo, Japan.

“Yun nga ang sina­sabi ko na parang… pag nakita nila ang gawa ko, nakaka-attract ka ng mas maraming tao.”

“Nagulat lang talaga ako na hindi Pinoy ang audience, iba naman ngayon,” dagdag pa niyang pahayag.

***

Proud si Maestro Ryan Cayabyab sa pangatlong full-length album (Sa Panaginip Lang) ng grupo niyang The Ryan Cayabyab Singers.

Sa susunod na buwan ay tutulak ang grupo patungong Amerika para sa series of shows nila doon na kung saan napu-promote ang ating mga awitin at pati na rin ang bago nilang album.

Nagpakitang-gilas ang pitong miyembro ng The Ryan Cayabyab Singers na pawang professional singers.

May sarili silang career, at kaya na nilang mag-solo pero mas pinili nilang nasa grupo pa rin ni Maestro Ryan dahil iba ang fulfillment na nararamdaman nila kapag kabilang ka sa grupo ng tinitingalang musician.

Doon na rin sa kanilang album launch ay hindi maiwasang sagutin ni Maestro Ryan ang isyung pinatay siya sa social media kamakailan.

Sabi ni Maestro Ryan; “It didn’t bo­ther me at all, kasi, buhay ako eh.”

“Buti na lang, ‘yung daughter ko, nag-isyu agad siya ng statement na, ‘my father is alive.’”

“Even my wife, nagtataka, ano ‘to?! Eventually later on, ang dami pang nag-share, tapos may mga nag-post pa na ‘condolence to the family of… ‘ Oh my God! Du’n lang ang realization na totoo pala ‘yung ganun.”

One Response