BAGO na ang titulo ni Daniel Padilla. From Teen King ay ‘King of Hearts’ na pala ang taguri sa kanya.

Napakapogi ni Daniel nang haranahin niya ang mga kandidata sa long gown segment ng Bb. Pilipinas 2017.

Nag-uumapaw ang charm ni DJ, na in fairness ay mas effortless nang kumanta. He owned the stage nu’ng gabing ‘yon.

Kahit mag-flat pa ang nota ni DJ ay sobrang love pa rin namin siya.

Habang nagkakaedad ay lalong nagiging HOT ang 22-anyos na binata.

Supportive girlfie ang peg ni Kathryn Bernardo na nasa audience at nagti-take ng pics habang nagpe-perform si DJ.

***

Isa pang extra HOT nu’ng gabi ay si Paulo Avelino na umupo bilang isa sa sa mga hurado ng Bb. Pilipinas.

Very dapper si Pau sa kanyang suit na mukhang ang linis-linis niya at ang bangu-bango.

Nag-trending sa Twitter si Paulo. Laughtrip ang tweets at memes ng BBP viewers na parang lahat ay sarap na sarap at patay na patay sa kaguwapuhan niya.

***

Pang-ilang beses na ni Xian Lim na nag-host ng Bb. Pilipinas, pero hindi pa rin flawless ang kanyang hosting.

Xian Pia
Xian at Pia

In all fairness ay ma­laki na ang in-improve niya kumpara nu’ng u­nang salang niya, pero kapos pa rin sa humor, wit at spontaneity ang Kapamilya hunk.

Ang daming BUF­FERING MOMENTS ni Xian, na parang biglang may delay at hindi niya masabi ‘yung gusto niyang sabihin o wala siyang masabi at all.

Nang i-tweet namin ‘yon ay may nag-comment na ikinumpara si Xian sa internet connection sa ‘Pinas… USUAL­LY SLOW and OCCASIONALLY INTERMITTENT!

Panay ang kantiyaw niya tuwing nagtatanong ang judge na si Ted Failon, pero ma­ging ang co-host ni Xian na si Pia Wurtzbach ay hindi makakonek sa mga hirit niya.

Mas natural at mas relaxed pa sa kanya si Pia, na in fairness ay cute ‘yung mga pata­wang banat.

Pasalamat si Xian at nabiyayaan siya ng bonggang height, pero kung tutuusin ay mas magaling, mas witty at mas charming si Matteo Guidicelli kung ito ang maghu-host ng Bb. Pili­pinas.

Kaya lang ay kapos si Matty sa height, na importante sa isang beauty pageant host dahil baka magmukha siyang kawawa sa tabi ng matatangkad na kandidata.

***

SMH moments sina Venus Raj at Maxine Medina.

Pareho ang dalawa na ‘pag sumasagot sa tanong, akala mo ay may matinong sasabihin, ‘yun pala ay wala naman.

Nag-e-expect ka ng sensible English answer, pero walang dumarating.

Nadidismaya ka lang.

Dapat yata ay humanap na ng mas kaaya-ayang co-host at tantanan na si Venus.

At si Maxine… buti na lang at nagtapos na ang reign niya!

Haaayyy…