Yam babu na sa pagpapaseksi

How true kaya ang chika na itong si Yam Concepcion, na bida sa “Night Shift,” winawakasan na raw ang pagpapaseksi?

May ganiyan kaya siyang drama dahil nga may kasintahan na siyang alta? Ang emote niya bang iyan ay dahil sa nanalig siya na may angkin siyang husay at galing sa pagiging aktres? O kakainin niya rin ang mga pagwawakas na ito dahil nga super bentahe niya talaga ang kanyang sexy at palabang image ?

Hitsurang walang mananalig kung ang pagiging matimtimang birhen o damsel in distress ang mga katauhan niyang gustong bigyan buhay sa pelikula at mga palabas sa telebisyon?

Yam na balot na balot o Yam na talop na talop? Ano ang mas bet niyo? Spin a win!

Millennial Dakma King sinapak ng hunk model

Hindi naman ako makapaniwala na ang actor na ito, eh maari palang ka-federacion natin, huh. Kung sabagay, may chika na nga akong narinig na ang aktres na lagi niyang kapareha, may sinabing mas matagal pa raw itong mag-ayos kesa sa kanya . Nuknukan ito sa pagiging banidoso.

Hindi naman porke banidoso, bakla na agad, hindi ba naman? In this day and age of the supposedly metro sexual (na isang metro na lang homosexual na, hahahahaha! Charot!) hindi na tayo dapat magtaka kung bakit ang mga BB Cream for Men sa Korean beauty shops ay nauubos.

Ang chika, sa isang sosyalin at yayamaning lugar kung saan ang mga new moneyed, burgis, so-jos (sosyal na jologs) at mga celebrities eh nagpapa-party, si actor ay andun with his friends, enjoying the night. Siyempre pa, drink kete drink ang actor ng mga alcoholic beverages.

Ang susunod na eksena, si actor, may call of nature na, puputok na ang kanyang pantog dahil marami-rami na rin itong tinutungga.

Pumuwesto ang actor sa urinal. Sa katabi niyang urinal, may hunky papa model type na ini-address rin ang call of nature.

Ang nakakaloka, biglang nawala sa sarili ang actor na hindi siguro makapaniwala sa nakitang pambihirang palo-palong pagmamay-ari ni hunky papa model, walang kaabog-abog, bigla nitong hinipo, dinakma ang pagkalalaking may ihi pa yatang pumupuslit.

Ano ito? Gusto ni actor na siya ang magpagpag? Iba rin ang para-paraan, huh. Siyempre pa, ang hunky papa model, shookt sa kaganapan at bago maipagpag ang dapat ipagpag at maluhuran ang kaluluhod-luhod niyang sandata, ayun, sinapak niya si actor. Ang actor, timbwang sa baldosa, napa-aray in a major, major way.

Nahimasmasan naman ang actor, humingi ng paumanhin at pasensya na sa hunky model papa, at ang cliché na dahilan, “Bro, sorry, lasing ako.”

Kaloka ang actor pag nalasing, huh. Humihipo at nandadakma. Puwede na kaya natin siyang tangahalin na Millennial Dakma King?