Yam binastos sa b-day

NI: ARCHIE LIAO

Para kay Yam Concepcion, hindi naman niya ikinahihiya na nakilala siya sa pagpapaseksi sa erotic movie na ‘Rigodon’.

Gayunpaman, marami na raw naganap sa kanyang karera pagkatapos ng nasabing pelikula.

Dumagsa ang mga offer niya sa teleserye at movie.

Napansin din ng mga kritiko na may kakaibang lalim na ang kanyang acting.

Katunayan, feeling niya, nag-mature na rin siya bilang aktres.

Kaya naman sa isinagawang birthday live chat niya para sa kanyang mga supporter, hindi naiwasang mag-react ang aktres nang banggitin ng isang netizen ang tungkol sa kanyang intimate scenes sa naturang controversial sexy film.

“Ano bang mga tao ito, nagko-comment ng Rigodon… Ang babastos niyo ha? Tama na yan, tapos na yun. Old news na yan. Move on na tayo. You’ve made your point, okey na, palakpakan…” aniya.
“What do you want me to feel kapag nagko-comment kayo ng mga ganyan? Anong gusto niyong mangyari, kasi hindi ko ma-gets kung bakit kailangan pang i-mention? Birthday na birthday ng tao tapos ganon?” dugtong niya.
May nang-okray pa rin sa kanya bago matapos ang live. Sey niya tuloy kaya ayaw niyang mag-live sa Instagram dahil may mga bastos. Reaksyon pa niya ay masarap daw itong suntukin.

Sa ngayon, naniniwala si Yam na puwede pa rin naman siyang maging daring sa choice ng kanyang roles na hindi naman kailangang magbilad ng katawan.

Si Yam ay tumatak bilang “Pambansang Kabit” sa teleseryeng “Halik”. Bahagi rin siya ng cast ng “Love Thy Woman.”