tonite-this-is-it-roldan-castro
Hindi maitago ang pagkadismaya ng mga televiewer sa takbo ng istorya ng “Halik” na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Sam Milby at Yen Santos.
Naubusan na raw ba ng idea ang mga writer at pinapahaba na lang ito? Ayaw nila sa twist ng istorya.
Hindi nila ma-take na si Jericho Rosales ang ama ng ipinagbubuntis ni Yam.
Nalungkot din ang mga fan ng Lino-Jacky (Echo-Yen) dahil akala nila ay magkakatulu­yan.
May netizen din na nagsabi na binasag ang tv dahil sa sobrang inis sa role nina Jericho at Yam.
Puwede na raw barilin sa Luneta ang karak­ter ni Echo na pagkatapos magpa­kasarap si Jade (Yam) kay Ace (Sam) ay  suportado pa rin niya ang kalagayan nito.
Talbog!

Tetay inaming naibenta ang ari-arian ni Cory

Nakapuntos daw si Kris Aquino sa sagot niya kay Gretchen Barretto. Na-master na diumano ni Tetay ang art of war at namimili ito ng away.
Reaksyon pa ng isang netizen sa isang site, “Oh darling may natitira pa naman class at grace kay Kris. As for Gret­chen…zero.”
“Legit Cojuangco VS Wannabe Cojuangco. See the diffe­rence?”
Sa IG ay nag-react din si @conconguiao, “Duon tayo sa pina­nganak na mayaman pero knows how to work hard for her money @krisaquino.”
Pakli ng actress-tv host, “@conconguiao I wasn’t born rich. We didn’t live in Wack-Wack or Forbes or Dasma. Because ma pride ang dad ko. But that instilled the attitude in me to work hard for all my sons & i have. My mom is the best example of unconditional love-she had big properties from her parents, each election binenta for my dad’s campaign.”

Katarina tanggap ang pagkatalo sa Miss World

Kampante na ang beauty ni Katarina Rod­riguez kahit luhaan siya sa Miss World beauty pageant. Mukhang tanggap na niya ang naging kapalaran niya sa nasabing pageant bilang kinatawan ng Pilipinas.
May pasabog siya sa kanyang Instagram account dahil sa bagong post niya na sexy photo.
Umuusok pa rin ang kanyang alindog at handa na siya sa bagong tatahakin pagkatapos ng laban niya sa Miss World.
Nagmukha siyang Barbie sa bago niyang bikini photo.
@casiebanks, “Living doll.”
@trentdedios, “Nagmumukhang Barbie.”
@daomongis11, “Cool 👍 relax lovely Katarina.”
@adonisescano09,  “gorgeous.”
@cj_gab_kit,  “you look like priyanka chopra.”