tonite-this-is-it-roldan-castro
Grabe ang impact ng ser­yeng ‘Halik’. Maraming galit na galit sa character nina Sam Milby at Yam Concepcion. Violent na ang nagiging reaction ng ibang tao. Dumating na sa puntong may death threat sila at pinagbabantaan ang buhay.
Pero ini-enjoy ng dalawa ang galit ng mga televiewer dahil nangangahulugan na effective ang pagganap nila.
Maraming mga manonood ang ­tuluyan nang nahawa sa “Halik” fever at tala­gang ­inabangan ang naging tapatan nina Jacky (Yen Santos) at Jade (Yam). Naisakatuparan ni Jacky ang hina­hangad ng maraming manonood—ang makapaghiganti kay Jade.
Ipinahiwatig din ng mga manonood ang kanilang tuwa at suporta para sa “Halik” at na­ging number one trending topic ng Twitter sa bansa ang hashtag nitong #SalpukangHalik.
“I love how every week, Halik has something intense ang exciting to offer. Yung tipong hindi mo talaga palalagpasin yung episode nila para bukas at sa susunod pa na bukas. In short, para sa buong isang linggo hanggang sa mga susunod pa,” tweet ni @thatfangirl_rm.
Nag-tweet naman ng suporta para kay Jacky at Lino (Jericho Rosales) si @lexriel24, “ito yung pinaka the best na episode.. yung pagiging palaban ni Jacky @yenxsantos at Lino @jericho_rosales ..”
Mayroon ding mga pumuna sa pagsama ni Ace (Sam Milby) kay Jade sa party, gaya ni @AlexMatoza, “Bihisan mo man ang ahas, lagyan ng kolorete sa mukha, pasuotin ng alahas, yayayain sa mara­rangyang lugar. Mangangamoy at mangangamoy ang kasangsangan nito! Amanos Jade! #SalpukangHalik.”

Michelle panlaban ng Batangas

Seryoso si Michelle Madronio Carcido na masungkit ang titulo ng Turismo Filipina 2018. Siya ay 23 years old, may sukat na 34-24-36.
Nagtapos siya sa University of Batangas (BSBA major in Business Management). Isa rin siyang freelance model.
Ano ang pangarap  niya sa buhay?
“Suklian ang aking mga magulang na makatulong sa kanila at maging successful sa aking career. Gusto kong maging flight attendant o artista,” pakli niya.
Sina Angel Locsin at Liza Soberano ang paborito niya.
***

Miguel tambak ng ‘indecent proposal’

Parang batang Richard Gomez ang dating ni  Miguel Villasis dahil sa tangkad at kaguwapuhan. Aminado ang bagets na nakakatanggap siya ng indecent proposal. Ang taray nga ng alok gaya ng condo, kotse, sapatos at cellphone pero dedma siya sa mga ito.
“Hindi ko naman po kasi kailangan ‘yon. Maibibigay din naman po yon sa akin ng magulang ko,” deklara niya.
Dati siyang varsity player ng Trini­ty College of Asia. Ngayon ay tuluyan nang pinasok ng newbie artist na si Miguel ang showbiz, na may single na “Date Tayo.”
“Date Tayo,” composed by Rapido (fliptop sensation) and arranged by Von Magno Florida, ay swak na swak sa pandinig ng millennials. Nagsilbi namang co-singer and co-writer si CK.
Katulong din ang binata sa pagsusulat ng kanta para mas maiha­yag pa niya ang kanyang emosyon at personality bilang isang artist.
Produced ito ng PSRstudios, katambal ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).
Ang single ay ginamit bilang isa sa mga soundtrack ng short film na pinagbibidahan din niya, ang “Two Strings Down,” na inaasahang makapasok sa mga festival dito sa bansa at abroad.
Marami pang gustong patunayan ang newbie artist sa mundo ng showbiz. Sumasali rin siya sa isang model search kung saan siya tinanghal bilang first runner-up.
Dumaan na rin siya sa acting workshop at maraming natutunan sa pagbitaw ng mga linya at paghugot ng emosyon.
Malakas ang appeal at talented. Ngunit ang hindi mawawala sa kanya ay ang pagi­ging totoo sa sarili.
Mapapakinggan ang “Date Tayo” sa online platforms at soon ay lalabas ang music video sa YouTube.
Richard, Hashtags nagpasaya sa ABS-CBN digital TV broadcast
Kabilang na ang mga Batangueño sa milyon-milyong Pilipino na makakapanood ng channels nang malinaw gamit ang ABS-CBN TV Plus, ang unang digital terrestrial TV product sa bansa, dahil nagsimula nang mag-broadcast sa digital TV ang Kapamilya network.
Opisyal na ipinakilala ang ‘mahiwagang black box’ sa probinsya sa isang ­ceremonial switch-on event sa Lipa City Youth and Cultural Center. Hudyat ang bagong signal coverage area sa patuloy na pangunguna ng ABS-CBN sa paglipat ng viewers sa digital television mula analog bago sumapit ang 2023 deadline na itinakda ng gobyerno.
Isang espesyal din na concert ang inihandog ng ABS-CBN TV Plus sa mga taga-Batangas. Dumalo sa selebrasyon sina Richard Gutierrez, “It’s Showtime” Hashtag members McCoy De Leon, Charles Kieron, Rayt Carreon, at Maru Delgado; pati ang “Tawag ng Tanghalan” artists kabilang ang TNT Divas na sina Rachel Gabreza at Remy Luntayao; Aila Santos; Hazelyn Cascano ng HALA; “TNT Cove” Christian Bahaya, JM Bales, at Sofronio Vasquez; at sina Jex de Castro, Mark Michael Garcia, Tuko delos Reyes, at Reggie Tortugo.
Bukod sa free TV channels na ABS-CBN at ABS-CBN S+A, masusubaybayan na rin ng mga residente sa Batangas ang ­“Sorpresaya,” isang weekday game show kung saan host sina Kapamilya komikeros Jobert Austria at Nonong Ballinan kasama si “It’s Showtime” ‘Miss Q&A’ finalist, Elsa Droga. Umeere ito sa TV Plus exclusive channel na CineMo, isang all-day movie channel. Napapanood din sa CineMo ang foreign at local classic at action mo­vies na pinagbibidahan nina Fernando Poe Jr., Dolphy, Robin Padilla, at marami pang iba.
Samantala, tiyak na magugustuhan ng mga bata ang isa pang TV Plus exclusive channel na YeY, isang all-day kids entertainment channel na nagpapalabas ng sikat na cartoon shows tulad ng “Spongebob Squarepants,” “The Adventures of Jimmy Neutron,” “Paw Patrol,” “My Hero Academia,” at “Digimon Adventure Tri,” pati na ang all-kids daily show, “Team YeY.”
Ang ibang exclusive channels ng TV Plus ay Knowledge Channel, isang educational channel na nagpapalabas ng curriculum-based programs para sa primary at secondary students pati na ang DZMM Tele­Radyo.