NAKALOLOKA ngayon ang  bansag kay Yam Concepcion bilang si Jade sa Halik.
Imagine, dahil sa role niya sa trending na serye ng ABS-CBN, binigyan siya ng titulo ng netizens — ang Marupok Queen at Dakilang Kabit.
Nang malaman kasi niyang binaboy siya ni Ace (Sam Milby) dahil sa pagkuha nito ng sex video without her consent sobra siyang nagalit kay Ace. Binabalak na niyang makipaghiwalay dito. Kaya lang nang humihingi na si Sam ng sorry sa kanya at nakita niyang umiiyak, hindi rin napigilan ni Jade ang sarili na ‘di patawarin ang ‘kalaguyo.
Inamin din ni Jade na mahal niya si Ace. Aniya: “Kahit sinaktan mo ako nang sobra-sobra, mahal pa rin kita. Tama ka, ipaglaban natin ‘to. Ipaglaban natin ‘to.” Dahil sa mga katagang binitawan ni Jade, pinagtawanan siya ng netizens.
May mga nagsasabi pa ngang ano raw kaya ang magiging reaction ng long distance affair ni Yam sa kanyang four years ng boyfriend na naka-base sa San Francisco, California.
Sa bagay na ito walang pang nasasabi si Yam. Ang sa kanya raw naman kasi binibigay lang niya ang best bilang si Jade. Hindi siya naiinis o nagagalit sa kanyang bashers kung anuman ang mga sinasabi ng mga ito sa kanya.
At least, daw convincing siya bilang si Jade. And she’s happy dahil napansin ang kanyang acting ability as an actress. Nang tinanggap naman daw niya ang role at mabasa ang script na siya ay magiging kabit, hindi raw siya nag-second thought na tanggapin ang role.
Pero, nang nagsunod-sunod ang trending ng kanilang programa, because of her, sabi ni Yam, hindi raw niya akalain na  sobra na ang hater sa kanya ng manonood may kasama na raw personal na panlalait.
 Naiintindihan naman daw niya ang mga manonood. Sa sobrang hooked daw ng mga ito sa maging siya rin daw bilang si Jade ay pumapasok na sa kanyang sisema kaya raw siguro naiaarte niya ng mabuti.