Bumrotsa ng tig-16 points sina James Carlos Yap, Sr. at Rey Nambatac upang kamauhin ang Rain or Shine
sa paghirit sa Game 6, nilitson ang Magnolia Pambansang Manok, 91-81, sa PBA Philippine Cup best of seven semifinals series sa Ynares Center sa Antipolo City.
May 7 rebounds at 2 assists pa si Big Game Yap samantalang naka-3 boards at 3 feeds pa si Nambatac upang bulilyasuhin ng Elasto Painters ang Hotshots na irolyo ang serye at makatapak na sana sa isa pang race to four win finals laban sa nag-aabang na defending champion San Miguel Beer.
Nilabas ng RoS ang talim ng ngipin upang makalayo ng 12 points samantalang anim lang ang naidistansiya ng Magnolia sa pagbabanda ulit ng bangis gaya nang masakote ng una ang huli sa Games 1-2 via 84-77 at 93-80 victories.
Dalawang sunod na tres ni Nambatac ang kumumpleto sa 13 pinuntos niya final quarter ang sinandigan ng Elasto Painters upang hatakin ang knockout game seven.
“Motivaton ang do-or-die game na ito,” salaysay ni Nambatac, na may 4-of-6 sa labas ng arc. (Lito Oredo)