Yap sumuporta sa kapwa atleta

Hindi nakakalimot sa pagtulong sa kani-kanilang sariling paraan ang mga propesyonal na manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) kung saan ikinatuwa ang huling pagpapakita ng suporta sa mga frontliner ang tinaguriang Big Game na si James Carlos Yap Sr.

Taospusong tumulong ang Rain or Shine Elasto Painters star kung saan nakilala siya ng mga kapwa atleta at kasundaluhan habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa pagbibigay ng inihanda niyang pagkain.

Mismong ang player ang humingi sa mga kuha sa kanya mula sa mga nagpa-selfie bago niya inilagay sa kanyang Twitter account na @jcy18.

Ilan sa mga nagbigay ng litrato ang ilang military-athletes na may mensahe na”@jcy gives food and refreshments to athlete-soldiers manning the checkpoints in South Luzon Expressway.”

Tengga pa ang basketbolista dahil sa umiiral na home quarantine na pinatupad ng gobyerno sa paglaban sa pandemic outbreak. Wala pang katiyakan kung kailan magpapatuloy ang 45th PBA season. (Lito Oredo)