Yasmien, kinaiinggitan sa mala-perfect na buhay

FULFILLED si Yasmien Kurdi dahil nakaya niyang ma-achieve ang work-life balance sa panahong ito.

Ine-enjoy niya ang pagkakataong makatrabaho sina Katrina Halili at Mark Herras sa afternoon prime series na Sa Piling Ni Nanay.

Former batchmates sila sa unang season ng Starstruck. Dahil sa serye ay lalo silang na­ging close.

Kung walang taping si Yasmien ay tutok siya sa pag-aalaga sa kanyang unica hija na si Ayesha at sa kanyang asawa.

Marami ang naiinggit sa kanya dahil going strong ang married life niya.

Ano ba ang sikreto nila sa strong at lasting relationship?

Say ni Yasmien, “Si­guro respect, trust and loyalty. Before, long distance relationship kami for five years pero never kami nagkaroon ng issue.

“And as long as si God ang center ng relationship namin and love namin ang aming anak.”