MAY mall show ngayong hapon ang cast ng Encantadia at Sa Piling Ni Nanay ng GMA 7.
Bibisita ngayong 5:00 PM sa SM Rosario, Cavite ang Encantadia stars na sina Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Rocco Nacino, Pancho Magno, James Teng, Klea Pineda at Migo Adecer.
Dadalaw naman sa SM City San Jose del Monte, Bulacan ang mga artista ng Sa Piling Ni Nanay sa pangunguna nina Mark Herras, Antonio Aquitania at Yasmien Kurdi.
Masaya ang mga mall show na ito!
***
Sina Candy Pangilinan, Epi Quizon at Roi Vinzon ang featured performers sa “Mr. & Mrs. Hinala” episode ng Dear Uge, ang comedy anthology ni Eugene Domingo na napapanood tuwing Linggo nang 2:30 PM.
Mag-asawa na mapaghinala sa kapwa ang mga karakter dito nina Candy at Epi.
***
Balik-Viva Artists Agency si Polo Ravales dahil pumirma siya ng contract sa talent management agency ng Viva Entertainment noong Huwebes.
“It’s a refreshing feeling dahil dito naman ako nag-start sa Viva, sa Anna Karenina at TGIS. Sixteen years old pa lang ako noon.
“It’s good to be back at isa sa mga tutulong sa akin is Viva.
“I’m still with DMV (Manny Valera) pero co-managed na with Viva. Actually, nu’ng bago ako mag-sign up sa Viva, nag-decide si Direk Manny Valera, medyo naging busy siya sa Regal, naisip niya na meron siyang magiging katulong for me at ‘yan ang Viva dahil dito ako nagsimula.

“Nandoon pa rin si DMV sa likod ko pero ‘yun nga, medyo busy siya sa Regal,” paliwanag ni Polo tungkol sa co-management agreement ng DMV at ng VAA.
Sa kanyang pagbabalik sa Viva, umaasa si Polo na mabibigyan siya ng challenging projects na susubok sa kakayahan niya bilang aktor.
“I expect na mas maaalagaan ako dahil from the start, isa ako sa mga lead star ng Viva.
“Hindi man ako maging lead ngayon, I’m sure, magkakaroon ako ng mas magagandang roles at project.”
Umamin si Polo na nakaranas siya ng mga disappointment at frustration sa takbo ng kanyang career dahil hindi ni-renew ng GMA 7 ang kontrata niya.
“A few years ago, hindi kasi ako ni-renew ng GMA 7. For two years, wala akong regular show.
“That time, I was feeling disappointed pero nagulat ako dahil after two years, nagkaroon ako ng regular TV show sa ABS-CBN. Maybe, there’s a reason why.
“I’m still open to work with GMA 7. It’s just that meron akong show ngayon sa ABS-CBN and for the longest time na wala akong regular show, I’ve been asking them for a regular show pero wala naman, ang ABS-CBN ang nagbigay sa akin.
“Mas visible ako ngayon sa ABS-CBN.
“Nagkaroon ako ng realization na showbiz is not forever. May times na marami kang show, may times na wala. It’s a business.
“Before, I was disappointed pero ang sabi nga sakin, dapat huwag mong pepersonalin pero siyempre, hindi mo naman magagawa na hindi personalin.
“I know my worth as an actor, dito ako lumaki, I can act, I was loyal with GMA 7.
“Nu’ng una, noong TGIS days, it was more of fun. Kami nina Dingdong Dantes, Dino Guevarra.
“Enjoy lang siya pero noong nagma-mature na ako, nakita ko na ‘yung importansya ng trabaho.
“Hindi man ako naging aktor nu’ng bata ako, parang ngayon ko siya nae-embrace.
“Nu’ng nasa late 20s ako, doon ko naramdaman na sayang, nandito ka na. Hindi naman ganoon kadali na makilala na artista sa Pilipinas.
“Hindi naman ganoon kadali na magtagal sa showbiz. Sabi ko, I will do it seriously, doon ko na-feel ‘yung passion sa acting kasi I don’t consider myself as an actor, hindi talaga.
“Nu’ng tumatanda na ako, na-feel ko na siya,” lahad ni Polo.