Time out muna ang bida ng ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’ na si Yasmien Kurdi dahil isang mensahe ang ipinararating niya sa mga viewer ng kanyang GMA Afternoon Prime series na ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’. Matapos ang pataas nang pataas na rating nito, hindi makakailang isa ito sa pinakasinusundang programa sa telebisyon. Paano ba naman kasi, ang tema nito napapanahon at dedicated para sa lahat.
Aniya, “Masaya ako na paganda nang paganda ang pagtanggap ng mga viewers sa ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’ dahil sa mataas na ratings nito. Napapanahon ang tema ng HKKIK dahil sa pagtaas ng bilang ng HIV cases sa ‘Pinas. Gusto namin mabuksan ang isipan ng mga tao sa mga dinaranas na diskriminasyon ng mga taong merong HIV. Teleserye ito ng buhay nila.”
Pak!
Miguel pinaiyak ni Bianca
Nalaman na sa wakas ni Diego (Miguel Tanfelix) ang katotohanang hindi si Crisan (Bianca Umali) ang nasa katawan nito kundi ang kakambal nitong si Crisel (Pauline Mendoza). Nagkaharap-harap na silang lahat dahil nagtangka si Crisel na gilitan ng leeg ang katawan ng kakambal niya. Pinigilan siya ng mga kaibigan at pamilya nila pero dama pa rin ang poot sa puso ni Crisel.
Tumatak ang performance ni Miguel kung saan humingi siya ng tawad kay Crisan na nasa katawan naman ni Cheska (Kyline Alcantara). Dito, nagpakitang gilas ulit si Miguel sa lalim ng kanyang pag-arte dahil tagos sa puso ang mga linyang binitawan niya. Nakakabilib ang pag-arte ni Miguel dahil nangungusap ang mga mata niya habang umiiyak. Paano na kaya masosolusyunan ang problema ng magkapatid? Mauwi nga kaya sa patayan ito?
Riva may paandar sa ‘Rivlog Live’
Pasisiklabin ng dating Showtime Girltrends’ Riva Quenery ang stage sa kanyang first ever birthday concert na RIVLOG LIVE na gaganapin sa SM Skydome ngayong May 27.
“Kasi para ito sa mga sumusuporta sakin at kapag pinanood nila ang concert ko para na rin silang nanonood ng vlogs ko nang live,” sambit niya.
Kilalang vlogger si Riva bago pa man nakilala bilang isang endorser at performer. Nakamit ni Riva ang YouTube’s popular Silver Play Button award dahil sa kanyang mga vlog na may 100,000 subscribers. Matapos ang isang taon, umabot sa 340,000 followers sa YouTube ang kanyang Rivlog.
“Sobrang kinakabahan ako kasi sanay ako na magpe-perform lang as guests, pero this time, event ko talaga ito. It’s all about me. Dito ko isho-showcase kung ano ang kaya kong ibigay sa mga tao,” sabi ni Riva.
Bukod sa ipapakitang talent ni Riva sa pagkanta at pagsayaw sa stage, masaya rin na makatulong dahil ang proceeds ng kanyang concert ay para sa mga bata ng Tahanang Mapagkalinga ni Madre Rita.
“Every birthday ko, I make sure na tumutulong ako sa mga street children. Parang naging advocacy ko na siya. Parang naisip ko rin na, what better way to celebrate it than to make my supporters happy and then ‘yung mga less fortunate na tao,” sabi ni Riva.
Ilan sa kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz ay special guests ni Riva sa concert kabilang sina Krissha Viaje and Sammie Rimando, as well as Hashtags member Zeus Collins and FPJ’s Ang Probinsyano star Awra Briguela at Maris Racal.
“Pinaka-excited ako sa mga bagong genre na gagawin ko, kasi may mga gagawin ako sa concert na hindi ko talaga nagagawa before. Excited ako to explore new things para sa mga taong sumusuporta sa’kin kasi matagal na nila itong hinihingi sa’kin,” lahad ni Riva na gusto rin i-encourage ang ibang performers tulad niya, na mangarap at magpursigi na matupad ang kanilang dream sa buhay.
Ang Rivlog Live ay produced by Hermie Carreon at Ididirehe ni Marvin Caldito.
Nathalie dyosa ng mga tala sa Miss Philippines Earth 2018
Pasabog ang kinatawan ng Dumaguete City na si Nathalie Louise Roxas. Isa rin siya sa magandang kandidata ng Miss Philippines Earth 2018. Tinagurian siyang dyosa ng mga tala.
Si Nathalie ay 25 years old, Airline Cabin Crew, may taas na 5’4.5” at may sukat na 33-26-37.
Bakit gusto niyang maging Miss Philippines Earth 2018?
“I believe in my advocacy and I believe that when you have the passion for something, that passion will drive you towards winning. I want to be Miss Philippines Earth because I know that I have a lot to offer and I want to reach out to people on how we as a country can save mother earth, and be an inspiration to other countries around the world.
I believe in myself and in my abilities as a person and I know that I can win and be Miss Philippines Earth,” buong ningning niyang pahayag sa website ng naturang pageant.
Ano naman ang environmental advocacy niya?
“I want to raise awareness on the alarming use of plastic bottles/ plastic materials. I chose this advocacy mainly because our oceans are dying with our continued use of plastic bottles. I wasn’t to raise awareness because I want to protect and preserve our beautiful beaches and natural habitats. I want to raise awareness to the people around me that in our own little way we can make a difference,” saad pa niya.
Ang coronation night ng Miss Philippines Earth ay sa May 19, 6PM sa Mall of Asia Arena.