Maganda, makinis, sexy. ‘Yan ang ilan sa mga katangian ng Fil-Spanish na si Yassi Benitez na makikita sa mga larawang pino-post niya sa Instagram.
Huling-huli ni Yassi, print ad model, ang kiliti ng kalalakihan sa mga photo niya. ‘Di lang puro alagad ni Adan ang humahanga sa kanya kundi mga kababaihan dahil bet nilang angkinin ang katulad na kaseksihan nito lalo na ngayong summer.
“Masarap sa pakiramdam na ginagawa kang fitspiration ng mga babae kasi body goals ka nila kaya lalo ako napu-push maging good example for them,” aniya sa mga umiidolo sa kanyang alindog.
Isa nang ulila sa ama si Yassi na isa ring part owner ng online gaming station.
“I’m a bread winner…sadly my dad passed away last Jan. 24 so now mas kailangan ko maging matatag for my family,” sey pa nito.