Yassi luhaan sa birthday

NI: RONA RONDA

Malungkot ang ika-25 kaarawan ng actress-dancer na si Yassi Pressman. Ito kasi ang kauna-unahan niyang birthday na wala ang ama matapos pumanaw nitong February 6.

Sa latest Instagram post ni Yassi, kapwa namumugto ang mata nila ng kapatid na si Issa sa larawan. Magkahawak pa ang kamay nilang magkapatid sa harap ng columbarium ng ama.

“First one without you, i’m 25 today Papa! Gonna promise to be the best that I can be!!!! Just like you taught me,” caption ng aktres sa larawan.

Tutuparin din umano ng aktres ang ipinangako niya sa ama.

Aniya, “I’m a big girl now! Promise to take care of this one and every person that i love and everyone who shows me love.”

Bilang parte ng selebrasyon na nataon din sa panahon ng pandemya, namahagi siya ng pagkain at laruan sa mga ospital.

“Sent out foods and veggies and toys to some hospitals with the help of my friend & hope we made you guys smile ~ and seing that will already be a great gift for me,” sambit niya.

Wish niya ngayon, “My only wish is that soon, i hope, work will be back, the sick get better, & finally our beautiful world heals!”